“Ay buhay,” sa nagdaang buwan isang bagay lang talaga ang inatupag ko.  At yun ang pag-aayos ng isang lisensya para magin Doctor (of Philisopy). Sa umpisa ang saya, kasi halos lahat ay maganda ang daloy. tipong “better than what I had planned” ang tema.

Sa loob lang ng isang linggo admitted ako sa graduate school sa kursong Pangkalikasang Agham (basta yun na yun).Ang saya pero, bilang isang taong nagtapos na ng kolehiyo, di na ko puwedeng umasa sa magulang upang makapag-aral. Kaya minabuti kong maghanap ng “pot of gold” or mas kilala sa tawag na “scholarship”. Base sa kuwento ng ilang kakilala madali lang daw ang proseso. Tipong “automatic” na yun at tanggap ka na. At naniwala naman ako dito.

Inayos ko lahat ng mga papeles na kailangan at umabot ako sa patay na guhit (literal. hehe) Makalipas ang isang linggo nakatanggap ako ng anunsyon ng araw ng aking interbyu. WOW, ang saya ko naman at yung 1% chance ko ay naging 20% na.. ang laki ng epekto ng ideya ng interbyu. Pero hindi kagandahan ang kinalabasan.. Mukhang hindi kami compatible nung agency. Tipong ang nais kong “research” ay hindi para sa kanila. Ito ay dahil hindi naman talaga research ang ginagawa nila kungdi ang magbantay o “monitor” ng implementasyon ng mga technolohiya. PUTEK! Malas lang ba ako o mali lang talaga?

Medyo magulo pa din ang isip ko, kasing gulo ng blog kong to. Ay buhay nga naman. Yun pa namang “scholarship” ang tinuturi kong susi sa aking “rebirth” hehe. Tipong isa sya sa madaming steppping stones na kailangan ko para makamit ang aking mga pangarap (woW). Pero hindi pa tapos ang laban.Marahil nalagyan ng balitang ito ng lamat ang aking determinasyon pero sigurado akong hindi nito nagalusan ang aking kagustuhang makamit ang pangarap. (WoW TaLaga)… maraming pang paraan upang makapag-aral ako ngayon taon at hindi ako titigil hangga’t di ko ito nasusubukan. Ang dami ko nang pinalampas na pagkakataong magkatrabaho at maging mga trabaho para sa layuning mag-aral kaya di dapat sumuko. Akala ko makakaalis na ako sa kumunoy ng panghihinayang, pero sa huli akala lang talaga iyon.